^

Metro

Holdaper sa jeep, arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang holdaper habang nakatakas naman ang kasama nito ma­tapos nilang biktimahin ang dalawang babaeng sakay sa isang pampasaherong jeep, kamaka­lawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nadakip na suspek na si Jhay Valte, 29,  ng Sangandaan ng naturang lungsod habang inaalam na kung sino ang nakatakas na kasama nito.

Base sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente  alas-8:00 ng gabi, habang ang mga biktima na sina  Sheina Mae Cortel, 21; at Reene Saludales, 24, ay lulan ng isang pampasaherong jeep kasakay ang mga suspect na nagpanggap na pasahero. Pagsapit sa Letre Road ay doon na naglabas ng patalim ang mga suspek  bago nagdeklara ng holdap.

Kinuha ng mga suspek ang mga dalang gamit ng mga biktima bago nag­sitakas.

Napansin naman ng mga nagrorondang mga tanod ang pagtakas ng mga  suspect  dahilan upang habulin ang mga ito hanggang sa masakote si Valte at mabawi ang mga tinangay sa kanilang mga biktima, habang nakapuga naman ang kasamahan nito.

vuukle comment

ARESTADO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

JHAY VALTE

KINUHA

LETRE ROAD

REENE SALUDALES

SHEINA MAE CORTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with