^

Metro

Bebot natagpuang patay sa hotel

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng babae ang natagpuang may busal sa bibig at nakatali sa loob ng isang hotel  sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Sa sketchy report ng Pasay City Police, kinilala lamang ang biktima na isang Jami Cher Ann. 

Lumabas sa inisyal na im­bestigasyon ng pulisya, nag-check-in umano ang biktima sa isang hotel na ma­tatagpuan sa panulukan ng EDSA at Harrison St., Pasay City alas-12:00 ng tanghali, Biyernes.

Bago ito, naunang nag-check-in ang isang lalaki bago pa dumating ang biktima. Alas-5:30 ng umaga, dito na nakitang walang buhay ang babae na may busal ang bibig at nakatali sa loob ng isang kuwarto ng naturang hotel.

Nabatid, na nakiusap umano ang pamunuan ng naturang hotel sa Pasay City Police na huwag umanong ilabas sa  media ang naturang insidente.  

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang naturang insidente.

vuukle comment

BIYERNES

CITY

HARRISON ST.

ISANG

JAMI CHER ANN

LUMABAS

NABATID

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with