^

Metro

Kelot sinalubong ni ‘kamatayan’

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead-on-arrival sa ospital ang isang binata makaraang sorpresang saksakin ng isang lalaki na kanyang nakasalubong sa isang kalye sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO2 Felipe Sabidala ng Police Station 6, ang nasawi na si Frankie Yabure, 22, binata ng King Fisheries St., Brgy. Batasan sa lungsod.

Natukoy naman ang suspek na si Jayson Mallari, 20, binata ng Saret St., Brgy. Batasan.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Constitutional St., Brgy. Batasan, ganap na alas-9:20 ng gabi.

Diumano, naglalakad papauwi ang biktima nang ma­salubong nito ang suspek at pagkalapit sa kanya ay bigla itong nagbunot ng patalim at pinagsasaksak ang una.

Nakita naman ng isang residente ang pangyayari at agad na ipinabatid ito sa mga kaanak ng biktima na agad na nagtungo sa lugar. Agad ding  itinakbo ng kaanak ang biktima sa Gen. Malvar Hospital, pero binawian din ito ng buhay.

Tinutugis na ng awtoridad ang nasabing suspek habang inaalam pa ang posibleng motibo sa krimen.

vuukle comment

BATASAN

BRGY

CONSTITUTIONAL ST.

FELIPE SABIDALA

FRANKIE YABURE

JAYSON MALLARI

KING FISHERIES ST.

MALVAR HOSPITAL

POLICE STATION

SARET ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with