^

Metro

Kasong kriminal vs Derek Ramsay, isinampa ng misis

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Suportang nararapat lamang na ibigay sa kanilang 11-anyos na anak na lalaki  ang kanyang giit  sa aktor na si Derek Ramsay at wala na siyang ibang hinahabol pa rito.

Ito ang ipinahayag ni Mary Christine Jolly, 36, makaraang humarap kahapon sa mga mediamen   sa lungsod ng Makati.

Si Mary ay nagsampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9262 o kilala sa tawag na  Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 sa Makati City Prosecutor’s Office laban sa naturang aktor.

Bilang dati ring mo­delo, pinili ni Mary na huwag magsalita sa matagal na panahon para hindi ma­apektuhan ang career ng asawa sa pagi­ging aktor at bilang isa ring modelo. 

Gayunman, nang tumanggi ang aktor na tuparin maging ang kanyang obligasyon  sa kanilang anak, wala umano siyang magagawa kundi gawin ang dapat­.

Sa kanyang iniharap na kaso laban sa aktor, ina­kusahan ni Mary ang kanyang asawa ng ‘com­mitting psychological violence’ laban­ sa kanya at sa kanilang anak sa pamamagitan ng pisikal, psychological at economic abuses sa loob ng maraming taon.

Ayon pa sa misis ng aktor, sinabi nitong 11-taon niyang tiniis at mag-isang pinalaki ang kanilang anak na wala man lamang ibi­nigay o inalok na suporta ang asawa.

Ngayon na lamang niya umano napag-isip-isip na panahon na upang ipaglaban ang karapatan ng kanyang anak at ang obligas­yon dito ng aktor bilang ama.

Apektado na umano ang kanilang anak dahil sa kapabayaan ng ama at panahon nang ibigay nito ang nararapat na atensyon at pagmamahal dito.

Bukod pa ito sa tulong pinansiyal na nakabatay aniya sa pangangailangan ng bata at sa kakayanang pinansiyal ng aktor.

Ibinunyag ni Mary, na noong  2011 pa umano niya unang nilapitan ang aktor para sa suporta sa kanilang anak, ngunit  binalewala lamang ito  ng huli.

Taong 2001 sila nagka­kilala ng naturang aktor­  na noon ay isang aspiring MTV Asia DJ. Nagpakasal umano sila noong April  2002 sa Balagtas, Bulacan kung saan ang alkalde na nagkasal  sa kanila ay tiyuhin ng kaibigan ng aktor na nagsilbi ring witness sa seremonya.

Subalit, noong Setyembre 2002 ay naghiwalay sila dahil sa pambababae at ginagawa nitong pang-aabuso sa kanya.

Matapos ang hiwalayan ay doon nadiskubre ni Mary ang kanyang pagbubuntis na binanggit din niya sa aktor­ sa pamamagitan ng kanilang kaibigan pero binale­wala lamang ito ng huli.

“This is not about me. This is about my son, who wants nothing more than assert his rights as a child from his father,” dagdag pa ni Mary.

vuukle comment

AKTOR

ANAK

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT

DEREK RAMSAY

KANILANG

MAKATI CITY PROSECUTOR

MARY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with