^

Metro

Dispatcher utas sa tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang dispatcher ang nasawi matapos itong pagbabarilin ng  riding-in-tandem na suspects habang sugatan naman ang isang  motorista na tinamaan ng ligaw na bala, kahapon ng madaling-araw  sa Taguig City.

Dead on the spot ang biktimang si Joseph Hondal, ng Palar Village ng naturang lungsod sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan .

Samantala, hindi agad nakuha ang pangalan ng  motorista na tinamaan ng ligaw na bala at ginagamot  ngayon   sa Ospital ng Makati.

Lumalabas sa report na natanggap ng Taguig City Police, naganap ang insidente alas-12:00 ng madaling-araw sa north bound lane ng C-5 Road, Brgy. Palar Village ng naturang lungsod habang naglalakad ang nasawi nang sumulpot ang mga suspect lulan ng motorsiklong walang plaka at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ang una.

Pagkatapos nito ay mabilis na tumakas ang mga suspect habang  patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

 

vuukle comment

BRGY

ISANG

JOSEPH HONDAL

LUMALABAS

MAKATI

OSPITAL

PALAR VILLAGE

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with