^

Metro

Masahista inutas ng kapwa masahista

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang 56- anyos na masahista sa gilid ng Manila Bay  nang hatawin sa mukha ng dos-por-dos ng kapwa masahista sa hinalang inggitan at agawan sa kliyente, sa Roxas Blvd., Ermita, Maynila.

Nagtamo ng mala­king pasa sa mukha at pi­naniniwalaang na­pin­sala ang utak ng bik­timang si Loberico Llaver, ng San Lorenzo St., Malate, na binawian ng buhay habang inoobser­bahan sa Ospital ng Maynila (OSMA).

Tumakas ang lasing na suspek na kinilalang si Renato Castro, 45 , ng   Camachille St., Brgy. 746, sa Malate, Manila.

Sa ulat ni PO3 Mi­chael Maraggun ng Manila Police District-Homi­cide Section, dakong ala-1:45 ng madaling-  araw nang maganap ang nasabing insidente sa Baywalk sa panulukan ng Roxas Blvd. at Pedro Gil sa Ermita.

Lasing na lasing umano ang suspek at nag­sisigaw ito na “Lumayas kayo dito, teritoryo ko ito.

Nang makitang natutulog ang biktima ay bigla na lamang hinataw ito sa mukha  ng hawak na dos-por-dos. Nang hindi na gumagalaw ay nagtatakbo na ang suspek at tumakas.

Magkaklase pa umano ang dalawa sa formal training ng pagmamasahe sa Man­power Development Center na kapwa nagtapos nitong nakaraang Hulyo.

 

vuukle comment

CAMACHILLE ST.

DEVELOPMENT CENTER

ERMITA

LOBERICO LLAVER

MANILA BAY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMI

MAYNILA

ROXAS BLVD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with