^

Metro

Nawawalang anak, sa morgue na nakita

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa morgue na nagtapos ang paghahanap ng isang ina sa kanyang nawawalang anak  makaraang maging biktima ito ng summary exe­cution sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Positibong kinilala ni Cla­rita Villanueva, 47, ng Torcillo Street, Dagat-Dagatan, Caloocan City ang kanyang anak na si Jeffrey Villanueva, 30.

Sa ulat, lumalabas na dakong alas-11:30 ng gabi noong Agosto 21 nang ibaba sa isang sasakyan at barilin ng mga hindi nakilalang salarin si Villanueva sa bahagi ng Road 10, Brgy. North Bay Boulevard North, Navotas.

Sinabi naman ni Aling Clarita na mahigit isang linggo na niyang hinahanap ang nawawalang anak hanggang sa mabalitaan ang pagkaka­tagpo sa isang sinalvage na kahawig ng kanyang anak ang pagkakalarawan.

Sinamahan naman ng mga pulis ang ina sa pi­nagdalhang punerarya sa biktimang si Jeffrey at nakumpirma na ito nga ang kanyang anak.

Blangko pa rin naman ang mga imbestigador sa motibo ng pagpaslang at pagkakakilanlan sa mga salarin.

vuukle comment

AGOSTO

ALING CLARITA

BLANGKO

CALOOCAN CITY

JEFFREY VILLANUEVA

NAVOTAS CITY

NORTH BAY BOULEVARD NORTH

TORCILLO STREET

VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with