^

Metro

Shabu sa bra, dalaw kalaboso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang  28-anyos na  babae matapos na mahulihan ng  shabu na inilagay sa loob ng kanyang bra  habang  dadalaw sa kanyang kaibigan sa Manila Police District-In­tegrated Jail, kamakalawa ng hapon. Batay sa report ni  PO3 Thelma Samodio, ng MPD-Women and Children’s Protection section, dakong alas-5:15 ng hapon nang arestuhin  si  Ma. Lavina Torres, ng Pandacan, Manila. Dadalawin ni Torres ang  kanyang kaibigan na  si SPO1 Lovely Bacani na isang dating pulis MPD. Si Bacani ay nakapiit  makaraang maaresto ng MPD-Anti Carnapping Unit nang nasangkot sa carnapping at droga. Bago papasukin ay  kinapkapan muna  si Torres   kung saan nakuha dito ang isang plastic sachet ng shabu sa loob ng kanyang bra. Sa imbestigasyon, ininguso ni Torres si Bacani na siyang nag-utos na bumili siya ng shabu. Lumilitaw naman na  ang dadalawin ni Torres na si Bacani ay nakalaya na noon pang Sabado makaraang makapagpiyansa. Kasong paglabag sa R.A. 9165 section 11 ang isasampang kaso laban kay Torres. 

vuukle comment

ANTI CARNAPPING UNIT

BACANI

BATAY

LAVINA TORRES

LOVELY BACANI

MANILA POLICE DISTRICT-IN

SI BACANI

THELMA SAMODIO

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with