^

Metro

Lola lasog sa van

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lola ang nasawi makaraang mabundol ng isang closed van habang ito ay tumatawid sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, lungsod Quezon kahapon.

Ayon kay SPO1 Ed­gardo Talacay ng Quezon City Police Traffic Sector 5, nakilala ang biktima na si Marlene Dagsaan, 61, ng Duplex Compound,  Fortune Ma­rikina City.

Arestado naman ang driver ng Isuzu Elf na si Virgilio Acson na kasalukuyan nang iniimbestigahan. Nangyari ang insi­dente sa may Pearl St., Commonwealth Avenue, ganap na alas-12:15 ng tanghali.

Diumano, tinatahak ng Isuzu Elf (WMZ-627) ang lugar nang biglang tumawid ang matanda at mahagip ito. Sinasabing nag-alangan ang biktima sa pagtawid kung saan nag-atras abante ito dahilan para malito si Acson at mabundol ang biktima.

 

vuukle comment

ACSON

COMMONWEALTH AVENUE

DUPLEX COMPOUND

FORTUNE MA

ISUZU ELF

MARLENE DAGSAAN

PEARL ST.

QUEZON CITY POLICE TRAFFIC SECTOR

VIRGILIO ACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with