^

Metro

Traffic enforcer, huli sa kotong

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang traffic enforcer matapos nitong kikilan ang isang piloto, kama­kalawa sa Pasay City.

Nasa custody ngayon ng Pasay City Police ang suspek na si Darell Ropan, 35, ng E. Rodriguez St., Malibay ng naturang lungsod, miyembro ng Pasay Traffic and Parking Management Office (PTPMO).

Kinilala naman ang complainant nito na si Anthony Gabriel Divino Flores, 25,  ng  Marquez St.,  Brgy. Bagong Anyo, Dolores, Quezon.

Sa pahayag ng biktima sa Pasay City Police, naganap ang insidente alas-4:30 ng hapon  sa may Taft Avenue ng naturang lungsod.

Ayon dito, minamaneho niya ang kanyang  Toyota Vios na may conduction sticker YB-7965 at kasama niya ang kanyang girlfriend at habang binabaybay nila ang  Rotonda-EDSA, patungong north-bound lane nang bigla silang parahin ng suspek.

Sinita umano sila kung ba­kit conduction sticker lamang ang nakakabit sa kanyang kotse dahilan upang makiusap ito sa suspek at dito na siya sinabihan na magbigay na lamang ito ng P500.00 upang makuha nito ang lisensiyang nakumpiska sa kanya.

Nagbigay naman ang biktima ng naturang halaga at pagkatapos ay nagtungo ito sa  Station Operation Unit (SOU) ng Pasay City Police upang ireklamo ang naturang enforcer na nagresulta nang pagkakadakip dito.

vuukle comment

ANTHONY GABRIEL DIVINO FLORES

BAGONG ANYO

DARELL ROPAN

MARQUEZ ST.

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY TRAFFIC AND PARKING MANAGEMENT OFFICE

RODRIGUEZ ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with