^

Metro

Valenzuela police, best police station

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinilala ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang Valenzuela City Police Station bilang “Best Police Station” sa kategorya ng tuluy-tuloy na transpormasyon para sa taong 2013-2014 sa nakaraang anibersaryo nito, kamaka­ilan sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Sinabi ni Valenzuela Police chief, Senior Supt. Rho­derick Armamento na huling nakopo ng kanilang istas­yon ang parangal noon pang taong 2006 at ngayong 2014 lamang nasundan.  Iginawad ang parangal na “Unit with the Past and Continuing Notable Accomplishment Beyond the Rating Period” nitong Agosto 11 sa ika-113 anibersaryo ng NCRPO.

Pinagbasehan umano ang malaking pagbaba sa antas ng krimen mula 2,265 noong 2012-2013 na ngayon ay na­ibaba nila sa 2,225  nga­yong 2013-2014. Mula sa 65 ave­rage na krimen na nagaganap kada linggo noong 2013, kasalukuyang nakapagta­tala na lamang umano ang Valenzuela City Police ng 15 hanggang 28 ave­rage na krimen kada linggo.

Bukod dito, natanggap rin ni Armamento buhat sa NCRPO ang “Achievement Award in the Field of Police Administration” sa ma­ayos na pamamahala nito sa istasyon ng pulisya. Ang naturang “accomplishment” ay dahil umano sa suporta ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa lokal na pulisya sa pagbibigay ng suporta sa patrol cars at pa­ngangailangan ng mga pulis.

Nitong Hulyo, nabiyayaan ang Valenzuela City Police ng 40 bagong motorbikes at dalawang Police on Wheels (VPOW) trucks buhat kay Mayor Rex Gatchalian.

vuukle comment

ACHIEVEMENT AWARD

ARMAMENTO

BEST POLICE STATION

CAMP BAGONG DIWA

FIELD OF POLICE ADMINISTRATION

MAYOR REX GATCHALIAN

POLICE

SHY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with