^

Metro

Preso tinarakan ng kapwa preso

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang preso matapos itong saksakin ng kapwa­ nito inmate dahil sa dating alitan sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, kamakalawa.

Ginagamot ngayon  sa NBP Hospital ang inmate na si Jainor Voluntate,  may kasong murder at  nakakulong sa 3D2  at miyembro ng Happy Go Lucky Gang sanhi ng tinamong limang saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan .

Inilagay naman  sa preventive cell si Jose Balinas Jr., miyembro rin ng nasabing gang at may kasong homicide.

Sa report na natanggap ni NBP officer-in-change, Supt. Robert­ Rabo, naganap ang insidente alas-3:00 ng hapon habang kalalabas lamang umano sa klase ni Voluntate  sa alternative learning system,  nang salubungin ito ni Balinas  at sabay na inundayan ng saksak.

Duguang bumagsak si Voluntate at dinala kaagad sa nabanggit na pagamutan, samantalang si Balinas ay kaagad namang nasakote ng mga nakatalagang prison guard.

Paghihiganti umano ang motibo ni Balinas dahil may dati na silang alitan ni Voluntate at madalas umanong nagkakaasaran ang mga ito. Sumasailalim naman sa imbestigasyon ang nakatalagang prison guard, kung bakit naipasok sa naturang bilangguan ang balisong na ginamit ni Balinas samantalang ipinatutupad dito ang mahigpit na seguridad.

vuukle comment

BALINAS

DUGUANG

HAPPY GO LUCKY GANG

JAINOR VOLUNTATE

JOSE BALINAS JR.

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

VOLUNTATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with