^

Metro

Sekyu, patay sa saksak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang sekyu sa guard house ng isang townhouse, kahapon ng madaling-araw sa Sta. Mesa, Manila.

Nakilala ang biktimang si Isidro Bersuela, nasa 40 hanggang 45 anyos; tubong Zamboanga City at stay-in sa V. Mapa Ext., Sta. Mesa.

Samantala, isang Rommel Valenzuela na ka-relyebo ng biktima ang pinaghihinalaang may gawa ng krimen, ma­tapos na  hindi na ito magpakita pa matapos madis­kubreng patay ang biktima.

Batay sa ulat na isinumite ni  Det.  Glenzor  Vallejo  kay P/Insp. Steve Casimiro, hepe ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section, dakong alas-4:40 ng madaling-araw, nang madiskubreng patay ang biktima ng isang Jose Reynaldo Jr., na drayber ng may-ari ng town house.

Sa salaysay ng isang Esteban Taburada, 43, operations manager ng townhouse, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek kung saan hindi na nagpakita pa ang huli.

Nabatid na nawawala ang sahod ng biktima na aabot sa P20,000 na naipon nito para ipadala sa kanyang asawa’t anak sa Zamboanga, bukod pa sa isang tablet.

vuukle comment

BATAY

ESTEBAN TABURADA

ISIDRO BERSUELA

JOSE REYNALDO JR.

MANILA POLICE DISTRICT-CRIMES AGAINST PERSONS INVESTIGATION SECTION

MAPA EXT

ROMMEL VALENZUELA

STEVE CASIMIRO

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with