^

Metro

Half-cup rice ordinance, aprub na sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - BIlang suporta sa International Rice Research Institute (IRRI) na nag-ulat  na aabot sa P23 milyong halaga ng bigas sa bawat araw  o P8 bilyon halaga ng bigas sa kada taon ang nasasayang, inaprubahan ng pamahalaang lungsod ang isang panukala   na magre-require sa mga food industry sa pagbebenta ng  kalahating tasa lamang o half cup rice sa kanilang mga kostumer.

Ang naturang ordinansa na ipinanukala ni Quezon City Councilor Allan Butch Francisco.

Ayon naman kay QC Mayor Herbert Bautista, ang ordinansang ito ay makaka­tulong upang makatipid at hindi maaksaya ang mga kanin.

Suporta ito ng pamahalaang lungsod  sa awareness campaign ng International Rice Research Institute (IRRI)  at Food and Nutrition Research Institute ng DOST na tinawag na “Eat your Rice Right and Save Lives”.

Sa ulat ng IRRI ang mga nasasayang na bigas sa loob ng isang taon ay  sapat nang ipakain sa may P4.3 milyong Pilipino.

Ito ay karamihan sa mga kainan na natitira ng mga kostumer.

Para makaiwas  sa pagkasayang ng kanin, kaila­ngan umano ang tamang dami lamang ng kanin ang maaaring ihain sa bawat serving sa mga food ser­vice industry lalu na sa mga food/meal combinations, value meals, student meals, combo meals at economy meals.

Kabilang sa local food service industry ang mga negosyo, fast-food chains, schools, caterers,  at iba pang establisimento na nagbebenta ng pagkain sa labas ng tahanan.

Sa ilaim ng ordinansa  ang sinumang lalabag ay magmumulta ng  P 1,000 sa second offense at P2,000 at isang buwang suspension ng negosyo sa 3rd offense.

vuukle comment

AYON

FOOD

FOOD AND NUTRITION RESEARCH INSTITUTE

INTERNATIONAL RICE RESEARCH INSTITUTE

MAYOR HERBERT BAUTISTA

QUEZON CITY COUNCILOR ALLAN BUTCH FRANCISCO

RICE RIGHT AND SAVE LIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with