^

Metro

Mga pulis ang biniktima, kelot sa multi-million pyramiding scam, timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 26-anyos na lalaki na tinaguriang utak sa isang multi-milyong pyramiding scam  na nambiktima ng mga police official ang nahulog sa kamay ng mga kagawad ng Makati City Police  sa isang entrapment operation na isinagawa kamakalawa ng hapon sa isang mall sa naturang siyudad.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police detention cell at sinampahan ng kasong large scale estafa ang suspek na si Peter James Abarico, taga San Juan City.

Tinatayang aabot sa 30 pulis ang dumagsa sa General Assignment Section ng Makati City Police upang magreklamo laban sa suspek na si Abarico.

Sa report ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Makati City Police, alas-3:00 ng hapon nang madakip ang suspek na si Abarico sa isang mall sa lungsod sa isang entrapment operation na isinagawa ng mga pulis.

Nabatid sa  mga nabiktimang pulis, hinikayat sila ng suspek upang mag-invest umano sa kanya dahil mabilis na lalago ang pera na may  malaking interes lalu pa aniya kung ipauutang nila ito.??

Nagtiwala naman ang mga biktimang pulis na karamihan dito ay mga opisyal dahil sa isang opisina sa Camp Karingal, Quezon City Police District (QCPD) mismo nangyayari ang mga transaksyon at naudyukan pa sila ng ibang opisyal ng PNP na  lalung kikita ang kanilang pera kapag pinautang pa nila ito.

Hinala ng ibang nabiktima, na kasama ng suspek sa pyramiding scam ang ilang opisyal ng PNP na nagkumbinsi para ipautang ang kanilang pera na tinatayang nasa P50,000 hanggang P2 million.

Pansamantala munang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng police official na nangumbinsi sa mga biktima.??

Sinabi pa ng mga biktima, na una ay  tinupad ng suspek ang pagbalik ng pera nila na may kasamang interes hangga’t sa hindi na lang ito nagpakita.?? Tinatayang aabot sa P200 million hanggang P300 million ang natangay ng suspek mula sa kanyang mga naging biktima.

Hinikayat ng Makati City Police,  na lumutang na ang iba pang nabiktima upang bumigat ang kasong large-scale estafa na isasampa laban kay Abarico.

 

vuukle comment

ABARICO

CAMP KARINGAL

CITY

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

ISANG

MAKATI CITY POLICE

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with