^

Metro

Dahil sa walang sapat na plaka ang LTO ‘No plate, no travel’ policy, hinto muna

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang sapat na plaka ng sa­sakyan na maipagkakaloob ang Land Transportation Office (LTO)  para sa mga bagong rehistrong sasakyan sa buong bansa.

Ito ang dahilan kung bakit sinuspinde ng LTO ang implemen­tasyon ng ‘no plate, no travel’ po­licy para  sa mga bagong sasakyan.

Una nang hiniling ng Auto­mobile Manufacturers and Dealers Association sa naturang tanggapan na ipagpaliban muna ang dapat sana’y implementasyon ng naturang programa simula bukas (August 1, 2014)  pero dahil wala pang maipagkakaloob na mga plaka ay ipinagpaliban muna ang pagpapatupad sa naturang polisiya.

Dahil dito,  pinangangambahan naman ng publiko  ang patuloy ng pagkalat ng mga sasakyan na walang­ plaka na sinasabing gamit ng mga sindikato laluna ng mga riding in tandem criminals sa kanilang mga operasyon.

Posibleng ito naman umano ang samantalahin ng mga masasamang-loob at mga kawatan para sa pagsasagawa ng kanilang mga modus o ilegal na aktibidades.

 

vuukle comment

DAHIL

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MANUFACTURERS AND DEALERS ASSOCIATION

POSIBLENG

SHY

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with