^

Metro

Tricycle driver, dedo sa tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang umatake ang riding-in-tandem makaraang pagbabarilin at mapatay ang isang tricycle driver, kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Agad na nasawi ang 30-anyos na biktima na si Rolando Bantayan, ng Brgy. Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Hindi naman nakilala ang dalawang salarin na kapwa nakasuot umano ng itim na bonnet at tumakas lulan ng hindi naplakahan na motorsiklo.

Sa ulat ng pulisya, nasa harapan ng tindahan malapit sa kanyang bahay ang biktima nang duma­ting ang mga armadong suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril si Bantayan.

Wala namang nakapalag sa mga residente dahil sa takot habang mabilis na tumakas ang mga salarin lulan ng isang motorsiklo.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen.

vuukle comment

BAGONG SILANG

BANTAYAN

BIKTIMA

BLANGKO

BRGY

MULI

ROLANDO BANTAYAN

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with