^

Metro

Obrero hulog sa gusali, lasog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang construction worker ang nasawi nang mahulog mula sa bubong ng isang gusali matapos mag-ayos ng kawad ng kuryente sa Pasig City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Senior Supt. Mario Rariza, hepe ng Pasig City Police, ang biktima na si Joven Vital, Brgy. Layunan, Binangonan, Rizal.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig City Police na pasado alas-9:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa bubong ng MCGK World Works Compound sa Barangay Maybunga, Pasig City.

Nauna rito, inutusan umano ng foreman na si Demetrio Cala ang biktima na sumama sa pag-ayos ng kawad ng kuryente sa bubong ng naturang gusali.

Nang maayos na ito, bumaba na ang dalawang kasama ng biktima na foreman at isa pang trabahador na si Alberto Delos Santos habang naiwan sa bubong si Vital.

Pagbalik ng dalawa ay nagulat na lamang nang makarinig ng sigaw saka nakitang nakahandusay ang duguang kasamahan sa ground floor.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung paanong nahulog ang biktima at kung may naganap na foul play sa insidente.

vuukle comment

ALBERTO DELOS SANTOS

BARANGAY MAYBUNGA

BINANGONAN

DEMETRIO CALA

JOVEN VITAL

MARIO RARIZA

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

POLICE SENIOR SUPT

WORLD WORKS COMPOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with