^

Metro

Bangkay ng lalaki, isinilid sa drum

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinilid sa loob ng drum ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage at iniwan sa gilid ng kalsada sa Ma­labon City, kahapon ng madaling araw.

Patuloy na inaalam pa ng pulisya ang pagka­kakilanlan sa biktima na tinatayang nasa pagitan ng edad na 35-40 anyos, may tattoo na dragon sa magkabilang braso, may tattoo na “Tony Adriano” sa likod at nakasuot ng dilaw na sando at short pants.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang matagpuan ng mga residente ng Mabolo Street, Brgy. Maysilo, ang naturang dram. Nadiskubre na bangkay ng lalaki ang nasa loob nito dahil sa umaagos na dugo.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO), natuklasan na may tama ng bala sa kaliwang leeg na tumagos sa mukha ang biktima.

Blangko naman ang pulisya sa posibleng pagkakakilanlan sa mga salarin dahil sa walang lumalantad upang magsilbing saksi sa insidente.  Hinihinalang maaaring pinatay sa ibang lugar ang biktima at itinapon lamang sa naturang barangay upang iligaw ang mga awtoridad sa imbestigasyon.

vuukle comment

BLANGKO

BRGY

HINIHINALANG

ISINILID

MABOLO STREET

MAYSILO

NADISKUBRE

SCENE OF THE CRIME OPE

TONY ADRIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with