^

Metro

Puhunan naipatalo sa sugal, balut vendor, nagpakamatay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang balut vendor ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ilang minuto matapos na mag-away ng kanyang kinakasama sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Ramil Villanueva, 29, ng Block 8, Lot 1, Brgy. Escopa Project 4, sa lungsod.

Ang pagpapakamatay ni Villanueva ay nadis­kubre ng kanyang 7-anyos­  na anak sa loob ng kanilang bahay.

Bago ito, alas- 4:30 ng umaga  ay nagtalo umano ang biktima at kanyang live-in partner na si Daniela Tan dahil sa pinatalo umano ng una sa sugal na cara y cruz ang halagang P800 na puhunan nito sa pagtitinda..

Ang pagtatalo ay na­uwi sa sakitan, hanggang sa nagpasya si Tan na magtungo sa himpilan ng barangay para mag­reklamo.

Sabi ni Ruben Presas, desk officer ng barangay, pinuntahan umano nila ang biktima sa kanilang bahay para sunduin at sagutin ang reklamo pero hindi umano ito sumama, hanggang sa magpasya silang bumalik sa ba­rangay hall.

Makalipas ang alas-7:30 ng umaga, habang papauwi si Daniela ay sinalubong umano ito ng kanilang anak at nag­­sa­bing nakita niya ang kanyang tatay na nakabigti.

Agad na umuwi si Tan kasama ang ilang kaanak at tinanggal sa pagkakabigti ang biktima saka isinugod ito sa Quezon City Memorial Medical Center, subalit idineklara rin itong dead-on-arrival.

vuukle comment

BRGY

DANIELA

DANIELA TAN

ESCOPA PROJECT

ISANG

QUEZON CITY MEMORIAL MEDICAL CENTER

RAMIL VILLANUEVA

RUBEN PRESAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with