^

Metro

Dumalo sa Bible sharing: Manager ng Jollibee, patay sa pulis

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi inaasahan ng isang 24-anyos na manager ng isang kilalang food chain na ang pagdalo niya sa isang Bible sharing activity ang magiging mitsa ng kanyang buhay matapos na umano’y mabaril ng isang pulis na nakasagutan nito sa Pasig City kama­kalawa.

Isang tama ng bala ng M-16 armalite sa ulo na tumagos sa panga ang ikinasawi ng biktimang si Irvin Perez, marketing manager ng Jollibee sa Antipolo at naninirahan sa Galaxy St., Cielo Homes, Bgy. San Isidro, Taytay, Rizal.

Kusang-loob namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na nakilalang si PO2 Mark Dorado, 29, nakatalaga sa Rizal Provincial Police, Hilltop, Antipolo City at naninirahan sa Brgy. Manggahan, Pasig City.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni SPO1 Randy Aurelia, ng Pasig City Police na dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang mangyari ang pamamaril sa tahanan ng pulis, kung saan nagtungo si Perez matapos na imbitahin ng isang Renz Michael Coloma upang dumalo sa isang Bible sharing activity.

Si Coloma ay kasambahay umano ni Dorado dahil pinsan nito ang live-in partner ng pulis.

Nagkaroon naman umano nang hindi pagkakaunawaan sina Perez at Dorado, sa hindi pa matukoy na kadahilanan, na nauwi sa pamamaril.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

CIELO HOMES

GALAXY ST.

IRVIN PEREZ

ISANG

MARK DORADO

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

PEREZ

RANDY AURELIA

RENZ MICHAEL COLOMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with