^

Metro

Nagpa-ransom ng nakaw na motor, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nahaharap ngayon sa kasong carnapping ang isang lalaki na nadakip sa isang entrapment ope­ration makaraang ipa-ransom ang isang nakaw na motorsiklo sa may-ari nito, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Naka­ditine ngayon sa Ca­loocan De­tention Cell ang suspek na si Abdulah Mandani, ng Pabahay, Tala, ng naturang lungsod. Sa ulat ng pulisya, alas-9 ng umaga noong Hulyo 10 nang hiramin ng isang alyas “Mervin” ang motorsiklo na Mio Soul na wala pang plaka ng biktimang si Gloria Cunanan. Tiwalang pina­hiram ng ginang ang motorsiklo subalit hindi na naibalik hanggang sa kontakin ang biktima ni Mervin at sabihin na ang motorsiklo ay na kay Mandani. Ibinigay pa ni Mervin ang numero ni Mandani upang matawagan ng ginang. Nang makontak ang suspek, hiningan nito ng halagang P21,000 ang ginang upang mabawi ang motor. Agad namang humingi ng tulong ang biktima sa pulisya na nagkasa ng entrapment. Dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi nang magkita ang biktima at si Mandani sa Brgy. 186 sa Tala upang magbayaran. Nang lumutang ang suspek, agad na inaresto ito ng mga pulis.

vuukle comment

ABDULAH MANDANI

BRGY

CALOOCAN CITY

DAKONG

GLORIA CUNANAN

MANDANI

MERVIN

MIO SOUL

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with