^

Metro

SONA sinabayan ng protesta

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng mga pagbuhos ng ulan, hindi nagpatinag ang libu-libong raliyista na sumugod sa Batasan complex para magsagawa ng programa kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Benigno Aquino III kahapon.

Tinangka rin ng mga rali­yista na lumusot sa barikada ng pulisya sa gitna nang pagsasalita ng Pangulo sa SONA, pero binomba sila ng tubig ng mga awtoridad.

Alas-3 ng madaling-araw ay sinimulan na ng mga grupong magmartsa ang mga mi­li­tante patungong Common­wealth Avenue bitbit ang kani­lang mga placard, streamers at effigy na naglalaman ng sali­­tang tungkol sa kurapsyon at pagpapahirap sa bayan at pagpapatalsik sa Pangulo sa puwesto.

Kasunod nito, ay nagsipag­datingan ang mga magsasaka buhat sa Southern Tagalog at sama-samang inokupa ang buong eastbound lane ng Feria­ Road kung saan sila nagsimu­lang magprograma gamit ang isang trak na nilagyan ng enta­blado, ganap na alas-9 ng umaga.

Kasama rin sa kilos protesta ang kawani ng gobyerno mula sa People’s Television (PTV)-4, IBC 13, at RPN 9. Mga mi­yembro ng Kilusang Mayo Uno, Kabataang partylist, migrante, bayan muna  at iba pa.

Tulad ng inaasahan, hindi na nagawang makalapit ng mga raliyista malapit sa Batasan com­plex bunga ng mga inilatag na barikada ng awtoridad, may 100 metro buhat sa pagdara­usan ng SONA.

Alas-12 ng tanghali, isang effigy ng Pangulo ang sinunog ng grupo, bilang panimula sa kanilang pagkilos, kasabay nito ang pagbuhos ng malakas na ulan pero hindi nagpatinag ang mga ito.

Samantala, nagkaroon din ng pagtitipun-tipon ang kasapi ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa harap ng Land Transportation Office at Land Transportation Fran­chi­sing and Regulatory Board (LTFRB) at nagdaos ng “state of the dri­vers address” (SODA).

Matapos ang programa, nag­tungo na rin ang grupo sa Commonwealth Avenue at nakihalo sa iba pang militanteng grupo kung saan sila nagsimula ng kanilang programa at sari­ling bersyon ng SONA.

Magmula St. Peters Church hanggang Ever Gotesco ang na­ging sakop ng mga militante para magsagawa ng ka­nilang mga programa. Dito nila pinagsama-sama ang ka­ni­lang mga hinaing laban sa pamahalaan sa pamamagitan ng improvised na entablado na nakakabit sa isang 10 wheeler truck.

Sa hanay ng Philippine National Police, doble ang naging paghahanda sa sitwasyon dahil apat na hanay ng barikada ang kanilang inilagay sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. Bukod ang mga barbwire na ikinabit sa barikada, mga container van, at mga truck ng bumbero at mga pulutong na puwersa ng Quezon City Police District na may bitbit na pa­nang­galang.

Ayon kay Senior Insp. Ma­ricar Taqueban, tagapagsalita ng Quezon City Police District,  umabot sa 7, 500 militante buhat sa iba’t-ibang samahan ang nagsama-sama para magsagawa ng kilos protesta sa kahabaan ng Commonwealth.

Habang nasa 10,000 pu­wersa ng PNP ang nagbabantay sa kanilang hanay.

Alas-4:45 ng hapon sa kalagitnaan ng pagsasalita ng Pa­ngulo ay sinimulan ng mga militante ang pagsunog sa pi­nakamalaking effigy.

Habang naglalagablab ang effigy ay pinapaikutan naman ito ng mga militante na sumisi­gaw ng pagtuligsa sa kawalang aksyon umano ng Pangulo sa kalagayan ng mahihirap na mamamayan.

Alas-5 ng hapon, tinangka ng mga militanteng makausad sa barikada ng mga pulis, kung saan nabuwag ng mga ito ang barikada ng pulis sa Ever Gotesco, subalit pagsapit sa barikadang itinayo sa Commonwealth, ilang metro ang layo sa Batasan complex ay binomba sila ng mga tubig ng mga bumbero buhat sa Bureau of Fire Protection (BFP).

vuukle comment

BATASAN

BUREAU OF FIRE PROTECTION

COMMONWEALTH AVENUE

EVER GOTESCO

HABANG

PANGULO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with