^

Metro

Kelot nagbigti sa apartelle

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bangkay na nang ma­tagpuan habang nakabigti sa kisame ng isang kuwarto ng apartelle sa Quezon City ang isang lalaki ilang oras makaraang mag-check in itong mag-isa rito, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ni PO2 Julius Raz, imbestigador, ang bik­tima na si Frederick Fernandez, 45, may-asawa, walang trabaho ng Brgy. Bagba­guin, Meycuayan Bulacan.

Ayon kay Raz, nadiskubre ang biktima sa may loob ng Room 20 ng isang apartelle na matatagpuan sa panulukan ng Edsa at Aurora Blvd., Brgy. Socorro, Cubao, ganap na alas-10 ng gabi.

Bago ito, alas-7 ng gabi nang mag-isang nag-checkin ang biktima sa nasabing apartelle, para sa tatlong oras na pamamalagi rito.

Ayon kina Mary Jane Ortega at security guard na si Vicente Bea, matapos ang tatlong oras na konsumo na upa sa kuwarto ay pinuntahan na nila ang  biktima sa kuwarto subalit hindi to sumasagot sa katok.

Dahil dito, nagpasya ang dalawa na buksan ang pinto sa pamamagitan ng duplicate key kung saan bumulaga sa kanilang harapan ang biktima habang walang buhay na nakabigti sa ki­same gamit ang tuwalya na ipinalupot sa kanyang leeg.

Agad na ipinagbigay alam ng mga saksi ang insidente sa otoridad para sa kaukulang desposisyon.

Sa pagsisiyasat, bukod sa bakas ng pagsakal, may nakita rin ang otoridad sa tabi ng biktima ng isang parte ng doorknob na maa­aring ginamit nito sa pag­laslas sana sa kanyang pulso.

vuukle comment

AURORA BLVD

AYON

BRGY

FREDERICK FERNANDEZ

JULIUS RAZ

MARY JANE ORTEGA

MEYCUAYAN BULACAN

QUEZON CITY

VICENTE BEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with