^

Metro

Trader utas sa forklift

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 37-anyos na negosyante ang namatay matapos masagasaan ng forklift habang humahango ng kalakal sa Pier 18 , North Harbor, Tondo, Maynila ,kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Edwin Custodio,  may-asawa, residente ng #230 Moriones St., Tondo.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng ManilaTraffic Enforcement­ Unit ang suspek na operator ng forklift na kinilalang si Jose Sibangan.

Sa ulat ni traffic investigator Bert Francisco, ala-1:30 ng madaling-araw habang nasa kasagsagan ng trabaho ang mga taga Pier 18 nang maganap ang insidente.

Depensa ng forklift operator,  hindi niya napansin ang biktima at basta naramdaman na lang niya na may nasagasaan siya. Madilim umano sa lugar kung saan nakatayo at nag-aabang ang biktima ng kanyang order.

Nang makita ng mga trabahador ang biktima na nakahandusay ay mabilis itong isinakay sa ambulansiya ng Philip­pine Ports Authority at isinugod sa Mary Johnston Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

BERT FRANCISCO

DEPENSA

EDWIN CUSTODIO

ISANG

JOSE SIBANGAN

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MORIONES ST.

NORTH HARBOR

PORTS AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with