^

Metro

Tindero kritikal sa holdap

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalaga­yan ang isang lalaking bantay sa isang grocery store makaraang barilin ng isa sa tatlong holdaper na sumalakay, kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Inoobserbahan ngayon sa Valenzuela General Hospital sanhi ng isang tama ng bala sa sikmura ang biktimang si Marlon Imus, 22, stay-in sa Al Sof Store sa may Santolan Road, Gen. T. De Leon, ng naturang lungsod.

 Hindi naman nakilala ang dalawang nakatakas na salarin na kapwa nakasuot ng bonnet.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang pumasok sa loob ng tindahan ang isa sa mga suspek at nagkunwaring bibili ng  sitsaron. Habang kinukuha ang paninda ay naglabas ng baril ang salarin at nagdeklara ng holdap saka pumasok ang dalawa pang kasama.

Tila nagulat umano ang biktima sa deklarasyon ng holdap at naibato nito ang hawak na kahoy na panungkit sa paninda sa mga salarin kaya naman ito binaril ng isa sa mga holdaper.  Kahit sugatan ay nagawa pang makalabas ng tindahan ng biktima at nagsisigaw ng saklolo.

 Dito napilitang umatras ang mga holdaper at agad na tumakas habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima ng mga kalugar.

vuukle comment

AL SOF STORE

DE LEON

DITO

HABANG

INOOBSERBAHAN

MARLON IMUS

SANTOLAN ROAD

VALENZUELA CITY

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with