^

Metro

Lider ng karnap group, 1 pang kasama, arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip ng pulisya ang lider ng isang kilabot na carnapping syndicate group at isa pang kasapakat nito, kamakalawa ng hapon sa Taguig City.

Sa report na natanggap ni Supt. Robert Domingo, hepe ng Public Information Office (PIO) ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), kinilala ang mga nadakip na suspek  na sina Jonathan Dimaano, 31, lider ng Malboro Carnapping Group, at naninirahan sa Brgy. Central Bicutan, Taguig City  at miyembro nitong si Moonderf John Corpuz, 30.

Ayon sa NCRPO, nakatanggap ng report ang Intelligence Section ng Taguig City Police mula sa tanggapan ng Barangay Information Networks (BIN) hinggil sa illegal na gawain ng mga suspek.

Dahil dito inilunsad ang operasyon ng mga pulis laban sa mga suspek kung saan nadakip ang mga ito  sa bisinidad ng  Land Transportation Office-FTI Branch sa  Arca South, Brgy. Western Bicutan ng naturang siyudad.

Base sa rekord ng pulisya, sangkot ang naturang grupo sa ilang serye ng karnaping sa naturang lugar  at nasa watch list din ito ng criminal gang  sa Taguig City Police Station.

Nakumpiska sa mga suspek ang kalibre .45 baril at kalibre .38 na naglalaman ng mga bala. Ang mga suspek ay naka­kulong sa Taguig City Police detention cell at inihahanda na ang kaukulang mga kasong isasampa sa kanila.

vuukle comment

ARCA SOUTH

BARANGAY INFORMATION NETWORKS

BRGY

CENTRAL BICUTAN

INTELLIGENCE SECTION

JONATHAN DIMAANO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with