^

Metro

2 killer ng mga bading, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasakote ng Valenzuela City Police ang dalawang lalaki habang pinaghahanap pa ang isang kasabwat na itinuturong nagnanakaw at pumapatay   sa mga biktima nilang mga bakla sa ikinasang follow-up operation, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga nadakip na sina Cedrick De Gula, 20, ng Lawa, Obando, Bulacan at isang Daniel  , 17 , ng Bernardo Compound, Palasan, Valenzuela City.  Pinaghahanap naman ang hinihinalang kasabwat nila na si Jed Sarabia, 18, ng Bulacan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:10 kamakalawa ng gabi nang matagpuan ang bangkay ni Reginald Santiano, 44, sa loob ng kanyang bahay sa may Buenavista Street, Malinta, ng naturang lungsod.  Walang saplot sa katawan ang biktima nang matagpuan at tadtad ng saksak.

Sa imbestigasyon, natukoy ng pulisya ang tricycle driver na sinakyan ng mga suspek sa pagtakas at itinuro kung saan niya inihatid ang mga ito sa Barangay Arkong Bato.  Dito nasakote sina De Gula at Aquino kung saan nakuha sa posesyon nila ang ginamit na patalim at cellular phone ni Santiano.

Nakuha rin sa posesyon ni Aquino ang isang cellular phone ng isa pa nilang biktima na si Rolando Calaraza.  Matatandaan na naiulat rin ng PSN ang pagkakapaslang kay Calaraza, na isa ring ba­ding, noong Hulyo 10, 2014 sa inuupahang kuwarto sa CM Building, Camia Street, Brgy. Marulas, ng naturang lungsod.

Ayon sa pulisya, nakikipagkaibigan ang mga suspek sa mga target na bakla at kapag nakuha na ang loob ay pagnanakawan.  Posible umano na nakikipagrelasyon rin ang mga suspek sa mga target at ginagamit ang mga katawan para manakawan ang mga biktima.

vuukle comment

AQUINO

BARANGAY ARKONG BATO

BERNARDO COMPOUND

BUENAVISTA STREET

BULACAN

CAMIA STREET

CEDRICK DE GULA

DE GULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with