^

Metro

Negosyante hinoldap na, binaril pa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang negosyante ng ‘buy and sell’ ang hinoldap at binaril pa ng riding-in-tandem habang kumakain sa isang restaurant  sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng bala sa kaliwang hita at ginagamot sa Metropo­litan Memorial Medical Center ang biktimang si Ivan Matanom, 48, residente  ng Tindalo St., Tondo. Natangay sa kanya ang suot na gintong kwintas, pitaka na hindi pa batid ang halaga at cellphone. Hindi naman umano naplakahan ang motorsiklong sinakyan ng dalawang lalaking suspek na armado ng baril.

Sa ulat mula sa Manila Police District-Station 3, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Atoy’s Grill  na matatagpuan sa panulukan ng T. Mapua at Alvarez Sts., Sta. Cruz, Manila habang ang biktima ay kumakain sa loob ng restaurant nang dumating ang magka-angkas na suspek at dali-dali itong nilapitan.

Tinutukan ng baril at saka puwersahang kinuha ang kanyang gintong kuwintas, dalawang cellphone at pitaka. Bago iwan ang biktima, binaril pa ito sa hita ng isa sa dalawang suspek na marahil ay upang hindi na makahabol.

vuukle comment

ALVAREZ STS

ATOY

CRUZ

ISANG

IVAN MATANOM

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAPUA

MEMORIAL MEDICAL CENTER

TINDALO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with