^

Metro

Patuloy na brownout, sanhi ng trapik

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa mabagal  na panunumbalik ng power supply ang isa sa nakikitang dahilan kung bakit nakakaranas ng matinding trapik sa mga panguna­hing lansangan ng Metro Manila at ang hindi kaagad makarekober na publiko na naapektuhan ng bagyong Glenda.

Ito ang  naging pahayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino kasabay nang pagsasabing kung hindi aniya nagtagal ang panumbalik ng power supply ay mabilis sana ang recovery ng lahat mula sa pananalasa ng bagyong Glenda.

Tinukoy ni Tolentino, na minimal o hindi naging malaki ang pinsala sa mga  ari- arian at buhay ng idinulot ng bagyong  Glenda,  ngunit ang naging problema lamang ang mabagal na panunumbalik ng power supply kung kaya’t marami pa rin ang hindi pa bumabalik sa normal ang pamumuhay.

Ang kawalan din ng supply ng kuryente sa marami pang lugar kaya nararansan ang matinding trapik sa mga pangunahing lansangan dahil sa hindi paggana ng mga traffic lights.

Gayunman, aminado si Tolentino na  malaki ang ipinagbago pagdating sa pag­hahanda ng pamahalaan at local go­vernment units sa kalamidad,  na dahilan umano upang hindi na­ging matindi ang pinsala ng nagdaang bagyong ‘Glenda’.

Pagdating umano sa paglilikas, halos lahat ng LGUs ay may ginagawa ng preemptive evacuation,  bukod sa nakikita na rin ang pakikipagtulungan ng bawat mamamayan.

Malaki rin ang naging tulong ng teknolohiya dahil agad na naabisuhan ang taumbayan  sa anumang mga pinakahuling update sa sitwasyon.

 

vuukle comment

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DAHIL

GAYUNMAN

GLENDA

METRO MANILA

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with