^

Metro

Dalawang buwan nawala, dalaga patay na nang makita

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa punenarya na na­tagpuan ang isang dalaga matapos ang dalawang buwang pag­hahanap dito ng kanyang pamilya nang  hindi ito nakabalik matapos magpaalam na pupuntahan ang bibili  ng mga gadget na ibi­ne­benta ng una sa social network sa Caloocan City,  kamakailan.

Nakilala ang bik­tima na si Angel Timbal, 19,  ng Coloong, Valenzuela City.

Sa pahayag sa Caloocan City Police, ng ina ng biktima na si Mari­bel, noong nakalipas na Mayo ay nagpaalam ang dalaga na pupuntahan ang bibili ng  mga gadget na inaalok ng biktima pero hindi na ito nakabalik.

Kamakalawa ay na­tagpuan ang bangkay ng biktima sa Jade Funeral Homes sa Calo­ocan City ng kanyang pamilya matapos silang makatanggap ng impormasyon hinggil dito.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, na natagpuan ang bangkay ng biktima sa madamong bahagi ng Barangay 171 sa Caloocan City noong nakalipas na Mayo 18, 2014. Pinatay sa sakal ang dalaga kung saan hinihinalang hinalay pa ito makaraang makuha sa bulsa ang bikini na suot nito.

Sa ngayon ay nagsa­sagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa insidente.

 

vuukle comment

ANGEL TIMBAL

CALO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CITY

JADE FUNERAL HOMES

SHY

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with