^

Metro

Hapones hinoldap ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang Japanese national ang nabiktima ng riding in tandem na hol­daper kung saan natangay dito ang cash at iba pang gamit na umaabot sa P160-libo at mga mahahalagang dokumento, sa Ermita, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Sa pagdulog sa Manila Police District-General Assign­ment Section, sinabi  ng biktimang si Tanaka  Koji, 47, pansamantalang nanunulu­yan sa Room 1003 City State Hotel, Mabini St., Ermita, na kahit hindi na ma­ibalik ang cash, mahalaga lamang umanong maibalik ang mga importanteng doku­mento at handa siyang magbigay ng pabuya para maibalik ito sa kanya.

Dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insi­dente habang ang biktima ay nag­lalakad sa Sta. Monica St. malapit sa Roxas Blvd. nang agawin umano ang bag nito ng riding­-in-tandem na suspect lulan ng motorsiklong walang plaka.

vuukle comment

CITY STATE HOTEL

DAKONG

ERMITA

ISA

MABINI ST.

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGN

MONICA ST.

ROXAS BLVD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with