^

Bansa

Listahan ni Lacson sa pork scam 'di kumpleto - abogado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kulang ang mga pangalan na hawak ni dating Senador Panfilo Lacson ng mga mambabatas na sangkot sa pork barrel scam, ayon sa abogado ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.

Sinabi ni Bruce Rivera na hawak ni Justice Secretary Leila de Lima ang kumpletong listahan ng mga mambabatas na nang-abuso ng kanilang mga Priority Development Assistance Fund.

Nitong kamakalawa ay sinabi ni Lacson na binigyan siya ng kopya ng affidavit ni Napoles noong Marso kung saan naka-save ito sa isang usb flash drive.

Kaugnay na balita: Isa pang mambabatas may pinakamalaking kinita sa pork scam – Lacson

"Ayon sa pamilya, may ibinigay silang listahan ng mga pangalan kay [former] Senator Lacson pero nung panahon na ibinigay nila 'yon, hindi po 'yon kumpleto," wika ni Rivera ngayong Biyernes sa dzMM.

"Yung kumpletong listahan po ay 'yun ibinigay namin sa Department of Justice."

Dahil dito nagbabala rin ang abogado na hindi maaaring baguhin ni de Lima ang testimonya upang hindi maisama, kung mayroon man, ang mga kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III dahil may hawak din silang kopya.

Kaugnay na balita: Napoles natakot, pinilit nung humarap sa Senado - abogado

Ang asawa ni Napoles na si Jimmy ang nagbigay kay Lacson ng listahan.

Nauna nang sinabi ni Lacson na mahigit 100 pangalan ng mga dati at kasalukuyang mambabatas ang idinawit ni Napoles sa kanyang affidavit.

Ibinigay ni Napoles ang kanyang testimonya nitong Lunes kay De Lima nang magkita sila sa Ospital ng Makati.

Kaugnay na balita:  'Kaalyado ni PNoy sa pork scam 'di patatawarin'

Nauna na ring sinabi ni Rivera na hindi si Napoles ang mastermind ng pork scam.

vuukle comment

BRUCE RIVERA

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

JANET LIM-NAPOLES

JUSTICE SECRETARY LEILA

KAUGNAY

LACSON

NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with