^

Metro

Lalaki dedo sa karibal

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang lalaki matapos itong barilin ng manliligaw ng dating kinakasama, kahapon sa Taguig City.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Dennis Bautista, 41, residente ng  Gen. Luna St., Brgy. Tuktukan ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang sus­pek na nakilala lamang sa alyas na Pipoy.

Sa imbestigasyon nina PO2 Primitivo Delayun, Jr. at PO2 Alberto Canonigo, ng Homicide Section ng Taguig City Police, pitong taon umanong naging ka-live-in ng nasawi si Arriane Cleofaz bago nagkahiwalay may walong buwan na ang nakararaan.

Nang mabalitaan umano ng biktima na may nanliligaw na muli sa dating kinakasama­, ipinasiya niyang makipagbalikan sa da­laga at pinuntahan ito sa bahay sa MLQ Street, Purok Uno, New Lower Bicutan pa­sado alas-7:00 ng umaga.

Nadatnan umano ng biktima ang manliligaw na suspect sa bahay ng dating kina­kasama kaya’t nagkaroon ng mainitang komprontasyon ang dalawa hanggang bumunot ng baril ang suspek at binaril sa ulo ang karibal.

Tumakas kaagad ang suspek matapos ang insidente habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima subalit makaraan ang limang oras ay binawian na rin ito  ng buhay.

vuukle comment

ALBERTO CANONIGO

ARRIANE CLEOFAZ

DENNIS BAUTISTA

HOMICIDE SECTION

LUNA ST.

NEW LOWER BICUTAN

PRIMITIVO DELAYUN

PUROK UNO

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with