^

Metro

Bebot patay sa bugbog ng nobyong retiradong parak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang babae makaraang bugbugin ng ka­relasyon nitong retiradong pulis matapos umanong  mag­bunganga ang una dahil sa labis na pagseselos, kama­kalawa ng gabi sa Caloocan City.

Halos-gulay nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Gina Ortis. 

Sumuko naman ang suspek na nakilalang si retired SPO3 Longino Catalan, 67, ng Rivera Compound, Brgy. Talipapa, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan Police, dakong alas-11:30 ng gabi nang sumugod ang biktima sa bahay ng suspek at kinompronta si Catalan sa nabalitaan na may iba itong babaeng kinakasama.

Sa gitna ng pagtatalo, nasipa umano ng biktima sa kaselanan ang dating pulis sanhi upang magdilim ang paningin nito at walang humpay na gulpihin ang babae. 

Tumawag naman ng res­ponde sa pulisya ang mga kapitbahay ng suspek. Kusang-loob na sumuko si Ca­talan sa mga awtoridad.

Dito nadiskubre ang bang­kay ng biktima na maga ang kaliwang mata, tenga at bibig habang isang palakol ang nakita sa tabi ng katawan nito. 

Inaalam pa kung ginamit sa krimen ang nasabing pa­lakol.

 

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

DITO

GINA ORTIS

INAALAM

LONGINO CATALAN

RIVERA COMPOUND

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with