^

Metro

Ex-convict kinatay, itinapon sa ilog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natagpuang lumulutang sa ilog at  tadtad ng saksak ang bangkay ng  isang 35-anyos na miyembro ng Batang City Jail  (BCJ)  na nakasuot lamang ng underwear sa may Road 10, Vitas, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Anthony Herrero, naninirahan lamang  sa gilid ng estero ng Road 10 sa Vitas Tondo.

Sa ulat ni Carlito Siy ng Manila Police District-Homi­cide Section, dakong alas- 6:30 ng umaga kahapon nang madiskubre ang lumulutang na bangkay na may suot lamang na brief.

Pahayag ng tiyahin na si Rosalia Timoteo, 66, nagpa­alam sa kanya ang biktima dakong alas-11:00 ng gabi noong nakaraang Martes na may bibilhin lamang pagkain mula noon ay hindi na ito nakabalik hanggang sa makita nga ang bangkay nito na lumulutang sa ilog.

Sa imbestigasyong nakalap ng pulisya, noong nakaraang Agosto ng nakalipas na taon lamang nakalaya sa Manila City Jail  ang biktima sa kasong holdap.

Hindi pa tukoy ang suspek o sinumang responsable sa krimen kaya patuloy pa ang isinasagawang imbestigas­yon ukol dito.

vuukle comment

AGOSTO

ANTHONY HERRERO

BATANG CITY JAIL

CARLITO SIY

KINILALA

MANILA CITY JAIL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMI

ROSALIA TIMOTEO

VITAS TONDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with