^

Metro

Isa sa mga nambugbog kay Vhong umalis ng Pinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nakalabas na ng bansa ang isa sa mga nambugbog sa TV host na si Vhong Navarro bago pa man lumabas ang arrest warrant, ayon  Justice Secretary Leila de Lima ngayong Martes.

Lumabas ng bansa si Jose Paolo Calma noong Abril 10, isang araw bago ilabas ng Taguig Metropolitan Trial Court ang arrest warrant para sa kasong grave coercion laban sa kanya at kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at apat pa nilang kasamahan.

Inamin ni De Lima na nagkamali sila sa unang naipakalat na pangalan na “John Paul Calma” na pinagbasehan ng Bureau of Immigration.

Kaugnay na balita: Suspek sa kaso ni Vhong nais maging witness

Halagang P12,000 ang piyansa para sa grave coercion.

Samantala, hindi kasama si Calma sa mga pinaaaresto ng Taguig Regional Trial Court matapos silang maglabas ng arrest warrant para naman sa kasong serious illegal detention kahapon.

Walang piyansa ang naturang kaso.

Kaugnay na balita: Bernice Lee laya na matapos makapagpiyansa

Una nang nakapagpiyansa ang modelong si Deniece Cornejo, Jed Fernandez at Bernice Lee para sa kasong grave coercion.

Hanggang ngayon ay nagtatago pa rin si Cedric Lee, mixed martial artist Simeon "Zimmer" Raz at Ferdinand Guerrero.

vuukle comment

BERNICE LEE

BUREAU OF IMMIGRATION

CEDRIC LEE

DE LIMA

DENIECE CORNEJO

FERDINAND GUERRERO

JED FERNANDEZ

JOHN PAUL CALMA

JOSE PAOLO CALMA

JUSTICE SECRETARY LEILA

KAUGNAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with