^

Metro

10 pamilya nasunugan sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang ulit sumiklab ang apoy sa isang hilera ng residential-commercial area nang agad na umanong buhayin ang suplay ng kuryente, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Unang sumiklab ang apoy dakong alas-9:00 ng gabi sa  isang apartment  sa  P. Campa St., Sampaloc, malapit sa España, at bandang alas-3:03 ng madaling-araw naman ay muling umapoy ang mga kabahayan sa lugar.

Ayon kay  SFO1 Patrick Angeles, ng Manila Fire Bureau, dakong alas 3:10 ng ideklarang na ika-5 alarma at dakong alas-4:10 nang maideklarang fire-out ang sunog sa lugar.

Nabatid na apat na two-storey apartment ang nasunog kabilang na ang mga karinderya sa ibaba ng apartment.

Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil pawang yari sa light materials at may kalumaan.

Hindi pa man natutukoy kung ano ang dahilan ng magkasunod na sunog, naniniwala ang mga residente na hindi pa dapat binuksan ang suplay ng kuryente sa mga apektado ng sunog dahil madaling araw ay muling nag-apoy sa lugar, na halos karugtong lamang ng mga nasunog na.

Gayunman, sinabi ni Manila Fire Marshall, F/Supt. Kaime Ramirez, magkaibang apartment unit ang pinagsimulan ng sunog ng alas-9:00 ng gabi at alas-3:03 ng madaling-araw.

Nasa 10 pamilya ang nawalan ng tirahan at bukod pa ito sa mga estudyante o boarders na nag-iwan ng kanilang gamit sa apartment dahil sila ay nagbabakasyon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Arson para matunton ang dahilan ng apoy bagama’t wala namang nasugatan o nasaktan.

 

vuukle comment

ALAS

AYON

CAMPA ST.

DALAWANG

ESPA

KAIME RAMIREZ

MANILA FIRE BUREAU

MANILA FIRE MARSHALL

PATRICK ANGELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with