^

Metro

Bangkay ng sanggol lumutang sa ilog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang sanggol na pinaniniwalaang kasisilang pa lamang ang natagpuang palutang-lutang sa isang sapa sa lungsod Quezon nitong Sabado de Gloria.

Ayon sa ulat, ang sanggol ay nakita ng isang ma­nga­ngalakal ng basura na si Larry Labro sa may kahabaan ng West Riverside St., Brgy. Damayan, San Francisco Del Monte.

Diumano, palutang-lutang ang biktima sa sapa ng San Francisco, ganap na alas-12:30 ng hapon nang makita ni Labro at agad na iniahon niya ito, ayon kay SPO1 Pascual Fabreag, imbestigador.

Nang maiahon ni Labro sa tubig ay saka ipinagbigay alam ang pangyayari sa mga opisyales ng barangay sa lugar.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives, ang sanggol na tinatayang isang araw pa lamang, ay may sugat sa ulo at kapuputol pa lamang ng kanyang umbilical cord.

Inaalam ngayon ng otoridad kung saan nagmula ang nasabing sanggol upang matukoy ang tunay na pangyayari ukol dito.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

LABRO

LARRY LABRO

PASCUAL FABREAG

SAN FRANCISCO

SAN FRANCISCO DEL MONTE

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

WEST RIVERSIDE ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with