^

Metro

Binata kritikal sa kapitbahay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang binata matapos siyang­ saksakin ng kapitbahay dahil sa panghihikayat ng una na gumamit ng shabu ang 17-anyos na live-in partner ng suspek kamakalawa sa Pasay City.

Ginagamot sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Jomart Guarin, 23, isang tinted installer, nakatira sa #99 PAL Gate 1, Zone 19, Brgy. 184, Maricaban ng naturang lungsod, dahil sa tinamong isang tama ng saksak sa tiyan. Agad namang naaresto ang suspek na si Mark Joseph Palermo “alias Kabayo”, 21, ng naturang lugar.

Sa report sa tanggapan ni Police Sr. Supt. Florencio Ortilla, alas-9:30 ng gabi nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek sa PAL Gate, Andrew Avenue, Brgy. 184 na nauwi sa pananaksak.

Inamin ng suspek sa arresting officer na si SPO1 Genomar Geraldino, ng Pasay Police na kaya niya nasaksak ang biktima dahil hinihika­yat nito ang kanyang live-in partner­ na itinago sa pangalang Jonalyn,  na tumikim ng shabu. Nang malaman umano niya ito, agad na sinugod at kinompronta ng suspek ang biktima hanggang sa ma­saksak nito.

vuukle comment

ANDREW AVENUE

BRGY

FLORENCIO ORTILLA

GENOMAR GERALDINO

JOMART GUARIN

MARK JOSEPH PALERMO

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with