^

Metro

66-anyos lolo nagbaril sa sentido!

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya sa umano’y pagpapakamatay ng isang 66-anyos na lolo matapos na magbaril sa sarili sa loob ng kanyang tahanan noong Biyernes Santo sa Pasay City.

Binawian nang buhay habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Roberto Ocampo, alias “Berting”, nakatira sa #436 Solitaria St., ng naturang lungsod bunga ng tinamong  isang tama ng bala ng kalibre .45 sa kanang sentido.

Ayon sa report ng kaanak ng biktima na si Cecilio Martinez at live-in partner na si Geraldine dela Cruz, alas-10:20 ng umaga­  nang maganap ang insidente.

Nabatid na umalis umano sina Martinez at Dela Cruz papuntang palengke at iniwan muna si Ocampo sa bahay. Pagbalik nila ay ipinagtaka nila nang madatnan na maraming tao sa harap ng kanilang bahay kaya dali-dali silang pumasok  at kinatok sa kuwarto ang matanda subalit nang kanilang tawagin ay walang sumasagot. Dito mabilis nilang tinungo ang banyo at nakita nila ang biktima na duguan at nagbaril ito sa kanang sentido.

Mabilis na itinakbo si Ocampo sa  PCGH at habang sinisikap ng mga doktor na isalba ang buhay nito,  ala-1:30 ng hapon ay binawian siya nang buhay.

Narekover ng pulisya ang isang basyo ng bala ng kalibre .45 baril na ginamit ni Ocampo sa pagpapakamatay.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pagpapakamatay at kung may foul play sa insidente.

vuukle comment

BIYERNES SANTO

CECILIO MARTINEZ

DELA CRUZ

OCAMPO

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

ROBERTO OCAMPO

SOLITARIA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with