^

Metro

Kelot patay sa pamamaril sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng isang nakamotorsiklong suspek habang naglalakad ang una kasama ang isang kaibigan sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO2 Julius Raz, nakilala ang nasawi na si Raymond Rodillas, 27, sales consultant at residente sa Sampaca compound, Villa Beatriz St., Brgy. Old Balara sa lungsod.

Ayon kay Raz, isang suspek na nakasuot ng itim na jacket at helmet ang bumaril sa biktima sakay ng isang motorsiklo.

Nangyari ang insidente sa may Zuzuarregui St., Brgy. Holy Spirit, ganap na ala-1 ng  madaling-araw.

Sinasabing naglalakad ang biktima kasama ang isang Angelito Pisico sa nasabing lugar nang dumating ang isang motorsiklo saka huminto ng ilang metro ang layo sa dalawa.

Ilang sandali pa, bigla na lamang nagbunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima, na nagawa pang makatakbo papasok ng isang bahay, habang nakatakbo naman papalayo ang kasama nitong si Angelito.

Matapos nito, nagpasya ang suspek na sumibat papalayo sa nasabing lugar gamit ang kanyang motorsiklo. Habang ang biktima naman ay isinugod sa Malvar General Hospital pero idineklara rin itong dead-on-arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing in­sidente.

vuukle comment

ANGELITO PISICO

BRGY

HOLY SPIRIT

ISANG

JULIUS RAZ

MALVAR GENERAL HOSPITAL

OLD BALARA

RAYMOND RODILLAS

VILLA BEATRIZ ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with