^

Metro

Taxi driver ‘nangholdap’ ng pasahero, arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang tsuper nang taxi matapos itong ireklamo ng panghoholdap ng kanyang mga pasa­hero kahapon sa Pasay City.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police detention cell ang suspek na si  Rogelio Valencia, Jr., residente ng Maligaya II, Pacita Complex, San Pedro, Laguna.

Ang mga complainant naman ay nakilalang sina Marvin Villanueva; John Ezra Gamalinda at Jervie Mempin.

Sa ulat ni SPO1 Evaristo Sarang-ey,  ng Station Inves­tigation Section ng Pasay City Police, nabatid na  galing ng Agusan del Sur ang tatlo at patungo na sa terminal ng Five Star Bus, Aurora Boule­vard ng naturang lungsod  mula sa NAIA terminal 3 pauwi sa San Ildefonso, Bulacan pasado alas-12:00 ng tanghali nang lapitan ni Valencia at inalok na sa kanyang taxi na sumakay.

Pumayag naman ang mga biktima,  subalit nagulat sila dahil may kasama pa umanong isa pang lalaki ang taxi driver at sinabing maki­kisabay lamang ito pauwi.

Pumayag naman ang mga complainant,  subalit pagda­ting sa bus station ay siningil na sila ng P1,700 gayung malapit lamang ang lugar mula sa NAIA Terminal 3.

Hindi sana magbaba­yad ang tatlo, subalit tinakot umano sila ni Valencia kaya’t napilitan silang ibigay ang na­turang halaga bago ipinasi­yang mag­suplong sa Maricaban Police Community Precinct (PCP) na ilang metro lamang ang layo sa terminal ng bus.

Nadakip naman ng pulisya si Valencia sa parking lot ng NAIA Terminal 3, subalit wala na ang isa pang kasama nito na umano’y kasabwat sa modus operandi. Kasong robbery, coercion, contracting passengers at illegal use of plates ang isinampa ng pulisya laban kay Valencia sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Bagamat, inamin ng suspek na kinontrata niya ang tatlo, todo tanggi ito na hinoldap niya ang mga com­plainant.

vuukle comment

AURORA BOULE

EVARISTO SARANG

FIVE STAR BUS

JERVIE MEMPIN

JOHN EZRA GAMALINDA

MARICABAN POLICE COMMUNITY PRECINCT

MARVIN VILLANUEVA

PASAY CITY POLICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with