^

Metro

Binata patay sa tibo na ‘stalker’ ng nobya

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 23-anyos na binata ang nasawi nang saksakin ng dalawang ulit sa dibdib ng isang tomboy na ‘stalker’ ng nobya ng una sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Robert Carillo, residente ng Pedro Gil St., Sta. Ana, Maynila.

Arestado naman ang suspek na si Annalyn Salcedo, 22, ng Sampaloc, Maynila.

Ayon sa suspek, maglalaban sana sila ng biktima sa Abril 28 pa subalit sumugod umano ang biktima kamakalawa pa lamang at naghamon na tapusin na ang laban para sa pinag-aagawang 15-anyos na dalagita. 

Aminado naman ang suspek na nagdilim ang kanyang paningin at nasaksak niya ang biktima nang tadyakan siya nito. Sa ulat ni PO2 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:30 ng gabi kamakalawa nang maganap ang pagtutuos sa  Piña Avenue, Sampaloc, Maynila.

Agad namang rumesponde sa nasabing komosyon ang mga barangay tanod at nadakip ang suspek, habang ang kasama nito na isang Marilyn Motol ay mabilis na naglaho  sa lugar.

Naging ugat  umano ng pag-aaway ng biktima at suspek ang pangungulit ng huli sa dalagita na nobya na ng una, na bukod sa pagiging ‘stalker’ umano sa eskuwelahan ay panay din ang pangungulit hanggang sa Facebook.

“Si Robert talaga ang boyfriend ng anak ko, sumisingit lang ’yang tomboy, kahit sa eskuwelahan laging nakabuntot. Sa Facebook nagsimula ’yung pag-aaway nila,” ayon sa ama ng dalagitang pinag-aagawan.

Samantala, habang nasa himpilan na ng pulisya ay nasugatan ang ulo ng suspek nang nagngingitngit ng mga kaanak ng biktima nang madampot ang isang maliit na bakal gamit sa ‘fingerprinting’ at ipukol sa kanya.

vuukle comment

ANNALYN SALCEDO

DENNIS TURLA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARILYN MOTOL

MAYNILA

PEDRO GIL ST.

ROBERT CARILLO

SA FACEBOOK

SI ROBERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with