^

Metro

Gumaya sa ate at kuya, binata nag-suicide rin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masusing iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang sinasabing pagbibigti ng isang 23-anyos na binata sa loob ng bahay nito matapos na unang masawi rin sa pagpa­patiwakal ang dalawa niyang kapatid sa Caloocan City.

Isinugod pa sa Jose Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si Johnson Cielo, ng Barrio Concepcion Dulo, Tala, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng umaga nang maiwang mag-isa sa kanilang bahay ang biktima nang mamalengke ang kanyang ina.

Nang dumating ang ina ng biktima, nadiskubre niya ang nakakandadong pinto ng banyo ng bahay at nang tawagin ang anak ay hindi pa rin ito tumutugon.

Nagpasya na ang ina ng biktima na humingi ng saklolo sa mga kapitbahay para puwersahang buksan ang pinto ng banyo. Dito tumambad ang biktima na nakabigti gamit ang isang mahabang alambre.

 Sa pagtatanong sa kaanak ng biktima, nabatid na una nang nagpatiwakal ang kuya ni Johnson noong Abril 2013 habang ang ate naman nito ang nagbigti nitong nakaraang Marso­ lamang. Patuloy namang inaalam ng pulisya ang motibo ng naturang pagpapakamatay at matiyak na walang foul play na naganap.

vuukle comment

ABRIL

BARRIO CONCEPCION DULO

CALOOCAN CITY

DITO

ISINUGOD

JOHNSON CIELO

JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

MARSO

MASUSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with