^

Metro

Estudyante ng Ateneo, nagbaril sa sarili

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na estud­yante ng Ateneo ang pinaniniwalaang nagpa­kamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo ang natagpuan sa loob ng kanilang bahay sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Brian Lawrence Go.

Ayon kay Chief Insp. Ro­delio Marcelo, hepe ng Quezon City Police District’s Criminal Investigation and Detection Unit, nag-iwan ang biktima ng suicide note pero hindi naman detalyado ang nilalaman nito.

Sa ulat, si Go ay nadiskubre na lamang duguan at walang buhay ng kanyang kapatid na si Maria Alessandra sa loob ng comfort room ng kanilang bahay sa may Doña Hemady Extension, Brgy. Kristong Hari sa lungsod, alas-9:11 Lunes ng umaga.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Julius Balbuena, bago ang pag­kakadiskubre sa biktima, pinuntahan umano ni Maria ang kuwarto ng kapatid para ito gisingin.

Nang hindi niya makita sa kuwarto ay tinignan nito ang kanilang CR kung saan bumulaga sa kanyang harapan ang duguang katawan ng kapatid.

Ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang kanang sentido na naglagos sa may kaliwang sentido.

Narekober sa lugar ang isang kalibre 9mm na pistola, at isang basyo ng bala nito.

vuukle comment

ATENEO

BRIAN LAWRENCE GO

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

HEMADY EXTENSION

JULIUS BALBUENA

KRISTONG HARI

MARIA ALESSANDRA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with