^

Metro

1 pa nag-suicide sa LRT station

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 29-anyos na pintor na hinihinalang umakyat lamang sa hagda­nan ng Light Rail Transit (LRT) United Nation Station at saka tumalon na naging sanhi ng kanyang kamatayan, kahapon ng umaga sa Maynila.

Nakita na lamang na walang buhay, basag ang bungo at duguan ang biktimang si  Dionisio Vergara, residente ng Ususan Extension, Calamba, Laguna ng security guard ng LRT kaya inireport sa nakasasakop na barangay.

Sa ulat ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng umaga sa nabanggit na istasyon ng LRT 1.

“Basta nakita na lang nung sekyu na nasa ibaba na ng sementadong kalsada at duguan ang ulo ng biktima,” ani Lincong.

Wala umanong suot na pang-itaas at wala ring sapin sa paa ang biktima, kaya pinaniniwalaang wala ito sa tamang pag-iisip.

Sinabi naman ng ka­patid ng biktima na si Jennifer Mendoza ay dati nang may problema sa pag-iisip at posibleng sinumpong muli ng sakit ang kanyang kapatid.

Nabatid na alas-6:20 ng gabi kamakalawa nang umalis umano ang biktima sa pinapasukang Admiral Bay, kung saan ito nagpi­pintura ng gusali, sa Aldecoa St. Ermita, Maynila.

 

vuukle comment

ADMIRAL BAY

ALDECOA ST. ERMITA

DIONISIO VERGARA

JENNIFER MENDOZA

LIGHT RAIL TRANSIT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

RODELIO LINGCONG

UNITED NATION STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with