PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sagupaan ng 2 gang: Pulis, 1 pa utas

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang isang pulis at isang lalaki matapos mabaril ang mga ito sa naganap na rambulan ng magkaka­labang  grupo sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay  habang ginagamot sa Chinese Ge­neral Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si PO3 William Lopez, 38,  ng Grace Park  at nakatalaga sa Caloocan City Police.

Samantala,  namatay din si Raymond Fernandez, ng L. Lupa St., ng naturang  lungsod. Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na  sina Laurito Reyes, 32,  ng Santos Teodoro St. at isang alyas JP Laurel, ng Matang Tubig, Tondo, Manila.

Sa ulat ng Caloocan City Police naganap ang insidente alas-7:00 ng gabi sa R. Papa St., boundary ng Maynila at Caloocan City habang naglalakad sa naturang lugar si P03 Lopez nang magrambulan ang grupo ni Fernandez at grupo ng mga suspek.

Dito ay naipit sa gitna ang pulis na nagpakilala at tinangkang awatin ang mga nagrarambulan

Hindi nagpapigil ang grupo ng mga suspek at ilang magkakasunod na putok ng baril ang umalingawngaw hanggang sa nakitang duguang nakahandusay ang mga biktima na naging dahilan upang dalhin sa ospital, subalit kapwa binawian ng buhay ang mga ito at ang mga suspek naman  ay mabilis na nagsitakas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: