^

Metro

Magkaibigan niratrat: 1 patay, 1 sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki at nasa kritikal na kondisyon ang kaibigan nito matapos pagsasaksakin at pagbabarilin  ng grupo ng mga kala­lakihan na miyembro ng isang gang sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng mga saksak at tama ng bala sa katawan si Jay-B Arcenas, 21; at  habang ino­obserbahan naman ang kaibigan nitong si Angelo Mendoza, 23, kalugar ng nasawi.

Pinaghahanap naman ng pulisya  si Gheric Buensing, 19,  ng Malvar St., at dalawang hindi pa kilalang mga kasama  nito na pawang  mga miyembro ng Sawako Gang.

Base sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong  alas-11:00 ng gabi sa Patani Alley, Bagong Barrio ng naturang lungsod habang naglalakad ang mga biktima sa naturang lugar nang salubungin at barilin  ng  mga suspect si Arcenas.

Tinangkang tulungan ni Mendoza ang kaibigan,  subalit maging siya ay pi­nag­sasaksak ng mga suspect.

Kahit sugatan ay nagawang makatakbo ni Mendoza,  subalit binaril sa hita ni Buensing bago nagsitakas ang mga suspect  habang dinala naman ang mga biktima sa naturang ospital, ngunit binawian ng buhay si Arcenas. Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente.

 

vuukle comment

ANGELO MENDOZA

ARCENAS

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

GHERIC BUENSING

JAY-B ARCENAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with