^

PM Sports

Creamline pasok na sa semis

Francisco Cagape - Pang-masa
Creamline pasok na sa semis

Si Pau Soriano ng Creamline laban kay Regine Arocha ng Power Smashers. PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines - Ang pagkawala ni star player Alyssa Valdez ay hindi naging hadlang para sa Creamline Cool Smashers upang palawakin pa sa lima ang winning run at makuha ang unang semifinals slot matapos pataubin ang Power Smashers, 25-22, 25-21, 25-22 sa straight-set lamang kahapon sa 2017 Premier Volleyball League Open Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Ang dating three-time UAAP MVP na si Valdez ay umalis patungong Japan noong Lunes kasama sa 14-man national women’s team para sa 17-day training bilang paghahanda sa 19th AVC Asian Senior’s Women’s Volleyball Championship ngayong Agosto 9-17 sa Biñan, Laguna at Muntinlupa City at sa 19th Sea Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 19-30.

Ngunit nagtulung-tulong sina Pau Soriano, Rose Vargas, Jia Morado, Coleen Bravo at Ivy Remulla upang masungkit ang kanilang pang-limang sunod na panalo at maging unang koponan na pumasok sa best-of-three semifinals.

Umiskor ng tig-15 puntos sina Soriano at  Vargas, si Bravo ay umani rin ng 13  habang si Morado naman ay umarangkada ng 62 sa kabuuang 64 excellent sets ng Cool Smashers upang manatiling malinis sa 5-0 record.

Samantala, nanatili pa ring undefeated ang Mega Builders matapos ang kanilang hindi inaasahang three-set panalo laban sa dating co-leader na Cignal HD Spikers, 26-24, 26-24, 25-17 sa men’s division.

Tumipak si Bryan Bagunas ng 17 puntos para pangunahan ang ikalimang sunod na panalo ng Volley Bolts  para sa unang semifinals berth at ilaglag ang da-ting unbeaten na Cignal  sa ikalawang puwesto sa 4-1 kartada.

Sa iba pang laro, nanatiling buhay ang pag-asa ng Instituto Estetico Manila sa pagpasok sa susunod na round sa pamamagitan ng pagpapadapa sa Air Force, 13-25, 23-25, 25-20, 25-22, 16-14 upang umakyat sa ikatlong puwesto kasama ang kanilang biktimang Jet Spikers para sa parehong 3-2 record.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with